Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 14:26-32 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

26. Ito ang gagawin ko sa buong daigdig,paparusahan ko na ang lahat ng bansa.”

27. Sino ang tututol sa pasya ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat?Sino ang pipigil sa kanyang pagpaparusa?

28. Ang mensaheng ito'y nahayag noong taóng mamatay si Haring Ahaz.

29. Huwag mo munang ipagdiwang, bayang Filistia,ang pagkabali ng pamalong inihampas sa iyo,sapagkat sa lahi ng ahas maaaring lumitaw ang ulupong,at mag-aanak ito ng lumilipad na dragon.

30. Ang mga mahihirap ay bibigyan ko ng pagkain,at ang mga nangangailanga'y panatag na mamamahinga;pababayaan kong mamatay ng gutom ang iyong lahi,at lilipulin ko ang matitira.

31. Manangis kayo buong bayan, managhoy ang lahat ng mga lunsod ninyo;manginig kayo sa takot, Filistia.Pumapailanlang ang alikabok mula sa dakong hilaga,sapagkat dumarating na ang matatapang na kawal.

32. Ano ang isasagot sa mga mensahero ng bansang iyon?“Si Yahweh ang nagtatag ng Zion,at ang mga kawawang nagdurusa sa kanyang bayan,nakakasumpong ng matibay na tanggulan.”