Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 14:14-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap,papantayan ko ang Kataas-taasan.’

15. Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay?Sa kalalimang walang hanggan?

16. Pagmamasdan ka ng mga patayat magtatanong ang mga ito:‘Hindi ba ang taong ito ang nagpayanig sa lupa,at nagpabagsak sa mga kaharian?

17. Hindi ba't winasak niya ang buong daigdig,at nilupig ang mga lunsod,ang taong ayaw palayain ang mga bilanggo?

18. Lahat ng hari ng mga bansa'y mahihimlaysa magagara nilang puntod.

19. Ngunit ikaw ay hindi ililibing sa iyong libingan,ang bangkay mo'y itatapon na parang sangang walang kabuluhan.Tatabunan ka ng mga bangkay ng mga napatay sa digmaan.Ihuhulog kang kasama ng mga iyon sa mabatong hukay,matutulad ka sa bangkay na tinatapak-tapakan.

20. Hindi ka malilibing na tulad ng ibang hari,sapagkat winasak mo ang iyong sariling bayanat nilipol mo ang iyong sariling nasasakupan.Walang makakaligtas sa iyong masamang sambahayang tulad mo.

21. Simulan na ang paglipol sa kanyang mga anakdahil sa kasalanan ng kanilang ama!Hindi na sila muling maghahari sa mundo,o maninirahan sa mga lunsod sa lupa.’”

22. Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Uusigin ko sila, at uubusin ko ang natitira sa kanilang lahi. Buburahin ko rin ang pangalan ng Babilonia.

23. Gagawin ko siyang isang latian, at tirahan ng mga kuwago. Wawalisin ko siya at pupuksain,” sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

24. Sumumpa si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:“Mangyayari ang aking balak,matutupad ang aking layon;

25. lilipulin ko ang mga taga-Asiria sa aking lupain,dudurugin ko siya sa aking kabundukan.Palalayain ko ang aking bayan sa kanilang pang-aalipin,at sa mabigat na pasaning kanilang dinadala.

26. Ito ang gagawin ko sa buong daigdig,paparusahan ko na ang lahat ng bansa.”

27. Sino ang tututol sa pasya ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat?Sino ang pipigil sa kanyang pagpaparusa?