Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 14:1-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ngunit muling mahahabag si Yahweh sa sambahayan ni Jacob at muli niyang hihirangin ang bayang Israel. Papatirahin niya sila sa sarili nilang bayan at may mga dayuhan ring darating at maninirahang kasama ng sambahayan ni Jacob.

2. Tutulungan ang Israel ng ibang mga bansa upang makabalik sa sariling lupain at paglilingkuran nila ang mga Israelita bilang mga alipin. Magiging bihag ng mga Israelita ang mga dating bumihag sa kanila at masasakop nila ang noo'y nagpapahirap sa kanila.

3. Sa araw na pagpahingahin kayo ni Yahweh sa inyong paghihirap, pagtitiis at pagkaalipin,

4. hahamakin ninyo nang ganito ang hari ng Babilonia:“Bumagsak na ang malupit na hari!Hindi na siya makapang-aaping muli.

5. Winakasan na ni Yahweh ang kapangyarihan ng masama,ang tagapamahala,

6. na walang awang nagpahirap sa mga tao,buong lupit na naghari sa mga bansang kanilang sinakop.

7. Natahimik din sa wakas ang buong lupa,at ang mga tao'y nag-aawitan sa tuwa.

8. Tuwang-tuwa ang mga sipresat ang mga sedar ng Lebanon dahil sa nangyari sa hari.Sinasabi nila: ‘Ngayong ikaw ay wala na,wala na ring puputol sa amin.’

9. Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating;ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin;ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka,ng mga dating makapangyarihan sa daigdig.Pinatayo niya mula sa kanilang tronoang hari ng mga bansa.

10. Lahat sila ay magsasabi sa iyo:‘Ikaw pala'y naging mahina ring tulad namin!At sinapit mo rin ang aming sinapit!’