Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 12:3-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Malugod kayong sasalok ng tubig sa balon ng kaligtasan.”

4. Sasabihin ninyo sa araw na iyon:“Magpasalamat kayo kay Yahweh, siya ang inyong tawagan;ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa,ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.

5. Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa,ibalita ninyo ito sa buong daigdig.

6. Mga taga-Zion, sumigaw kayo at umawit nang buong galak,sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal na Diyos ng Israel.”