Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 10:18-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin,kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao.

19. Ilan lamang ang matitirang punongkahoy sa gubat,ang mga ito'y mabibilang kahit ng isang batang musmos.

20. Sa araw na iyon ang matitira sa bansang Israel at Juda ay hindi na aasa sa mga nagpahirap sa kanila. Kay Yahweh lamang, sa Banal na Diyos ng Israel, sila mananalig nang buong katapatan.

21. Ang mga natira sa sambahayan ni Jacob ay magbabalik sa Diyos na Makapangyarihan,

22. sapagkat kung sindami man ng buhangin sa dagat ang mga Israelita, ilan lamang ang makakabalik. Nakatakda na ang pagwasak sa iyo ayon sa nararapat.