Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 10:17-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Ang ilaw ng Israel ay magiging apoy,ang Banal na Diyos ay magniningas,at susunugin niya sa loob ng isang arawmaging ang mga tinik at dawag.

18. Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin,kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao.

19. Ilan lamang ang matitirang punongkahoy sa gubat,ang mga ito'y mabibilang kahit ng isang batang musmos.

20. Sa araw na iyon ang matitira sa bansang Israel at Juda ay hindi na aasa sa mga nagpahirap sa kanila. Kay Yahweh lamang, sa Banal na Diyos ng Israel, sila mananalig nang buong katapatan.

21. Ang mga natira sa sambahayan ni Jacob ay magbabalik sa Diyos na Makapangyarihan,

22. sapagkat kung sindami man ng buhangin sa dagat ang mga Israelita, ilan lamang ang makakabalik. Nakatakda na ang pagwasak sa iyo ayon sa nararapat.

23. Sa takdang panahon, ang buong bansa ay wawakasan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon.

24. Kaya ganito ang sinasabi ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon: “O bayan kong naninirahan sa Zion, huwag kang matakot sa mga taga-Asiria kung ikaw ma'y hampasin nila o pahirapan tulad ng ginawa sa iyo ng mga taga-Egipto.

25. Sapagkat hindi magtatagal at lilipas na ang galit ko sa iyo, at sa kanila ko ibabaling ang aking poot.