Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 10:16-33 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Kaya nga padadalhan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,ng mapaminsalang sakit ang magigiting niyang mandirigma,at sa ilalim ng kanilang mga kasuotan, mag-aapoy sa init ang kanilang katawan,parang sigang maglalagablab nang walang katapusan.

17. Ang ilaw ng Israel ay magiging apoy,ang Banal na Diyos ay magniningas,at susunugin niya sa loob ng isang arawmaging ang mga tinik at dawag.

18. Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin,kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao.

19. Ilan lamang ang matitirang punongkahoy sa gubat,ang mga ito'y mabibilang kahit ng isang batang musmos.

20. Sa araw na iyon ang matitira sa bansang Israel at Juda ay hindi na aasa sa mga nagpahirap sa kanila. Kay Yahweh lamang, sa Banal na Diyos ng Israel, sila mananalig nang buong katapatan.

21. Ang mga natira sa sambahayan ni Jacob ay magbabalik sa Diyos na Makapangyarihan,

22. sapagkat kung sindami man ng buhangin sa dagat ang mga Israelita, ilan lamang ang makakabalik. Nakatakda na ang pagwasak sa iyo ayon sa nararapat.

23. Sa takdang panahon, ang buong bansa ay wawakasan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon.

24. Kaya ganito ang sinasabi ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon: “O bayan kong naninirahan sa Zion, huwag kang matakot sa mga taga-Asiria kung ikaw ma'y hampasin nila o pahirapan tulad ng ginawa sa iyo ng mga taga-Egipto.

25. Sapagkat hindi magtatagal at lilipas na ang galit ko sa iyo, at sa kanila ko ibabaling ang aking poot.

26. At hahagupitin ko sila tulad ng puksain ko ang mga Midianita sa Bato ng Oreb. Itataas ko ang aking tungkod sa ibabaw ng dagat tulad ng ginawa ko sa mga taga-Egipto.

27. Sa araw na iyon aalisin sa iyong balikat ang pahirap na ginagawa ng Asiria at wawasakin na ang pamatok sa iyong leeg.”Sumalakay siya buhat sa Rimon.

28. At nakarating na sa Aiat,lumampas na siya sa Migronat iniwan sa Micmas ang kanyang dala-dalahan.

29. Nakatawid na sila sa tawiran,at sa Geba magpapalipas ng gabi.Nanginginig ang mga taga-Ramaat tumakas na ang mga taga-Gibea na kababayan ni Saul.

30. Sumigaw kayo ng malakas, mga taga-Galim!Makinig kayo mga taga-Laisa;sumagot kayo, taga-Anatot!

31. Tumatakas na ang Madmena,nag-alisan na ang mga taga-Gebim para sa kanilang kaligtasan.

32. Sa araw na ito darating sa Nob ang kaaway,ibinigay na niya ang hudyatna salakayin ang Bundok ng Zion,ang Burol ng Jerusalem.

33. Masdan ninyo si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon!Sa pamamagitan ng nakakapangilabot na lakas,ibubuwal niya ang pinakamatataas na puno.Ibinabagsak niya ang mga palalo.