Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 1:21-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. “Ang Jerusalem na dating tapat sa akin,ngayo'y naging isang masamang babae.Dati'y puspos siya ng katarungan at katuwiran!Ngayon nama'y tirahan na ng mga mamamatay-tao.

22. Ang iyong pilak ay naging bato,nahaluan ng tubig ang iyong alak.

23. Naging suwail ang iyong mga pinuno,kasabwat sila ng mga magnanakaw;tumatanggap ng mga suhol at mga regalo;hindi ipinagtatanggol ang mga ulila;at walang malasakit sa mga biyuda.”

24. Kaya sinabi ng Panginoong Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel,“Ibubuhos ko ang aking poot sa aking mga kaaway,maghihiganti ako sa aking mga kalaban!

25. Paparusahan kita at lilinisin,gaya ng pilak na pinadadaan sa apoyat tinutunaw upang dumalisay.

26. Bibigyan kita uli ng mga tagapamahalang tulad noong una,at ng mga tagapayo gaya noong simula,pagkatapos ay tatawagin kang Lunsod ng Katuwiran,ang Lunsod na Matapat.”