Magandang Balita Biblia Revisi

Isaias 1:10-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Mga pinuno ng Israel,pakinggan ninyo si Yahweh!Ang inyong mga gawa ay kasinsamang sa Sodoma at Gomorra.Kaya't pakinggan ninyo at pag-aralanang katuruan ng Diyos ng ating bayan.

11. “Walang halaga sa akin ang dami ng inyong mga handog.Sawa na ako sa mga tupang sinusunogat sa taba ng bakang inyong inihahandog;hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro,mga kordero at mga kambing.

12. Sinong nag-utos sa inyo na maghandog sa harap ko?Huwag na ninyong lapastanganin ang aking templo.

13. Huwag na kayong magdala ng mga handog na walang halaga;nasusuklam ako sa usok ng insenso.Nababagot na ako sa inyong mga pagtitipon,kung Pista ng Bagong Buwan at Araw ng Pamamahinga;ang mga ito'y walang saysay dahil sa inyong mga kasalanan.

14. “Labis akong nasusuklamsa inyong pagdiriwang ng Pista ng Bagong Buwan at ng iba pang kapistahan;sawang-sawa na ako sa mga iyanat hindi ko na matatagalan.

15. Kapag kayo'y nanalangin sa akin,hindi ko kayo papansinin;kahit na kayo'y manalangin nang manalangin,hindi ko kayo papakinggansapagkat marami na ang inyong pinaslang.

16. Linisin ninyo ang inyong sarili at magbalik-loob sa akin;sa aking harapan, kasamaan ninyo'y inyong tigilan.

17. Pag-aralan ninyong gumawa ng makatuwiran;pairalin ang katarungan;tulungan ang naaapi;ipagtanggol ninyo ang mga ulila,at tulungan ang mga biyuda.

18. “Halikayo at tayo'y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh.Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan,kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak.

19. Kung susundin ninyo ang aking sinasabi,tatamasahin ninyo ang ani ng inyong lupain.