Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 9:16-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Tuwing lilitaw ang bahaghari, maaalala ko ang walang hanggang tipan na ginawa ko sa inyo at sa lahat ng may buhay sa balat ng lupa.”

17. At sinabi ng Diyos kay Noe, “Ito ang tanda ng aking pangako sa lahat ng nabubuhay sa lupa.”

18. Ang mga anak ni Noe na kasama niyang lumabas sa barko ay sina Shem, Jafet at Ham na ama ni Canaan.

19. Ang tatlong ito ang pinagmulan ng lahat ng tao sa daigdig.

20. Si Noe ay isang magsasaka at siya ang kauna-unahang nagbukid ng ubasan.

21. Minsan, uminom siya ng alak at nalasing. Nakatulog siyang hubad na hubad sa loob ng kanyang tolda.

22. Sa gayong ayos, nakita siya ni Ham ang ama ni Canaan at ibinalita ito sa kanyang mga kapatid.

23. Kaya't kumuha sina Shem at Jafet ng balabal, iniladlad sa likuran nila at magkatuwang na lumakad nang patalikod patungo sa tolda. Tinakpan nila ang katawan ng kanilang ama. Ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama.

24. Nang mawala na ang kalasingan ni Noe, at malaman ang ginawa ng bunsong anak,

25. sinabi niya:“O ikaw, Canaan, ngayo'y susumpain,sa mga kapatid mo ika'y paaalipin.”

26. Sinabi rin niya,“Purihin si Yahweh, ang Diyos ni Shem,itong si Canaa'y maglilingkod kay Shem.

27. Palawakin nawa ng Diyos ang lupain ni Jafet.Sa lahi ni Shem, sila'y mapipisan,at paglilingkuran si Jafet nitong si Canaan.”

28. Si Noe ay nabuhay pa nang 350 taon pagkatapos ng baha,

29. kaya't umabot siya sa gulang na 950 taon bago namatay.