Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 9:1-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Si Noe at ang kanyang mga anak ay binasbasan ng Diyos: “Magkaroon kayo ng maraming anak at punuin ninyo ng inyong supling ang buong daigdig.

2. Matatakot sa inyo ang lahat ng hayop, pati mga ibon, ang lahat ng gumagapang sa lupa at ang mga isda. Ang lahat ng ito ay inilalagay ko sa ilalim ng inyong kapangyarihan.

3. Gaya ng mga halamang luntian na inyong kinakain, lahat ng mga ito'y maaari na ninyong kainin.

4. Huwag lamang ninyong kakainin ang karneng hindi inalisan ng dugo sapagkat nasa dugo ang buhay.

5. Mananagot ang sinumang papatay sa inyo, maging ito'y isang hayop. Pagbabayarin ko ang sinumang taong papatay ng kanyang kapwa.

6. Sinumang pumatay ng kanyang kapwa,buhay ang kabayaran sa kanyang ginawa,sapagkat sa larawan ng Diyos ang tao'y nilikha.

7. “Magkaroon nga kayo ng maraming anak upang manirahan sila sa buong daigdig.”

8. Sinabi ng Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak,

9. “Ako'y nakikipagtipan sa inyo ngayon, pati na sa inyong magiging mga anak,

10. gayon din sa lahat ng mga bagay na may buhay sa paligid ninyo—sa mga ibon, pati sa maaamo't maiilap na hayop na kasama ninyo sa barko.