Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 8:2-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Huminto ang mga bukal at tumigil ang pagbuhos ng ulan.

3. Patuloy na humupa ang tubig, at pagkaraan ng 150 araw ay mababa na ang baha.

4. Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat noong ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan.

5. Patuloy ang paghupa ng tubig at nang unang araw ng ikasampung buwan, lumitaw ang taluktok ng mga bundok.

6. Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng barko na kanyang ginawa.

7. Pinalipad niya ang isang uwak at ito'y nagpabalik-balik hanggang matuyo ang tubig sa lupa.

8. Pagkatapos nito, pinalipad naman niya ang isang kalapati upang tingnan kung wala nang tubig.

9. Palibhasa'y laganap pa ang tubig, hindi makalapag ang kalapati, kaya't nagbalik ito at muling ipinasok ni Noe sa barko.

10. Pitong araw pang naghintay si Noe, at pagkatapos ay muli niyang pinalipad ang kalapati.

11. Pagbalik nito kinagabihan, ito'y may tangay nang sariwang dahon ng olibo. Kaya't natiyak ni Noe na kati na ang tubig.

12. Nagpalipas ng pitong araw si Noe saka pinalipad muli ang kalapati. Hindi na ito nagbalik.

13. Noon ay 601 taĆ³ng gulang na si Noe. Nang unang araw ng unang buwan, inalis ni Noe ang takip ng barko at nakita niyang natutuyo na ang lupa.