Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 8:16-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. “Lumabas ka na sa barko kasama ng iyong asawa, mga anak at mga manugang.

17. Palabasin mo na rin ang lahat ng mga hayop na kasama mo—maamo at mailap, gumagapang at lumalakad sa lupa, at pati ang mga ibon. Hayaan mo silang dumami at manirahan sa buong daigdig.”

18. At lumabas na nga si Noe at ang kanyang asawa, mga anak at mga manugang.

19. Gayundin, sunod-sunod na lumabas ang lahat ng hayop, mailap at maamo, lahat ng gumagapang at lumalakad, pati ang mga ibon ayon sa kani-kanilang uri.

20. Si Noe ay nagtayo ng altar para kay Yahweh. Kumuha siya ng isa sa bawat malinis na hayop at ibon, at sinunog bilang handog.

21. Nang maamoy ni Yahweh ang mabangong samyo nito, sinabi niya sa sarili, “Hindi ko na susumpain ang lupa dahil sa gawa ng tao bagama't alam kong masama ang kanyang isipan mula sa kanyang kabataan. Hindi ko na lilipuling muli ang anumang may buhay kagaya ng ginawa ko ngayon.

22. Hanggang naririto't buo ang daigdig,tagtanim, tag-ani, palaging sasapit;tag-araw, tag-ulan, tag-init, taglamig,ang araw at gabi'y hindi mapapatid.”