Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 7:6-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Si Noe ay 600 taon nang bumaha sa daigdig.

7. Pumasok nga siya sa malaking barko kasama ang kanyang asawa, mga anak, at mga manugang upang maligtas sa baha.

8. Sa bawat uri ng hayop, malinis o hindi, sa bawat uri ng ibon at maliliit na hayop,

9. ay nagsama siya sa barko ayon sa utos ng Diyos.

10. Pagkaraan ng pitong araw, bumaha nga sa buong daigdig.

11. Si Noe ay 600 taĆ³ng gulang na noon. Noong ikalabimpitong araw ng ikalawang buwan, nabuksan ang lahat ng bukal sa ilalim ng lupa. Nabuksan din ang mga bintana ng langit.

12. Bumuhos ang ulan sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi.

13. Pumasok noon sa barko si Noe at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang tatlong anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet at ang kani-kanilang asawa.