Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 7:17-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Apatnapung araw na bumaha sa daigdig. Lumaki ang tubig at lumutang ang barko.

18. Palaki nang palaki ang tubig habang palutang-lutang naman ang barko.

19. Patuloy pang lumaki ang tubig hanggang sa lumubog ang lahat ng matataas na bundok,

20. at tumaas pa nang halos pitong metro sa taluktok ng mga bundok.