Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 7:14-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Pinapasok din niya ang bawat uri ng hayop—mailap at maamo, lumalakad at gumagapang sa lupa, at bawat uri ng ibon.

15. Isang lalaki at isang babae ng bawat may buhay ang isinama ni Noe,

16. ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ni Yahweh ang pinto ng barko.

17. Apatnapung araw na bumaha sa daigdig. Lumaki ang tubig at lumutang ang barko.

18. Palaki nang palaki ang tubig habang palutang-lutang naman ang barko.

19. Patuloy pang lumaki ang tubig hanggang sa lumubog ang lahat ng matataas na bundok,

20. at tumaas pa nang halos pitong metro sa taluktok ng mga bundok.

21. Namatay ang bawat may buhay sa lupa—mga ibon, maaamo at maiilap na mga hayop, lahat ng gumagapang sa lupa, at lahat ng tao.

22. Ang lahat ng may hininga sa ibabaw ng lupa ay namatay.

23. Ang mga tao at mga hayop sa daigdig ay nilipol ng Diyos, maliban kay Noe at sa kanyang mga kasama sa barko.

24. Nagsimulang bumabâ ang tubig pagkatapos ng 150 araw.