Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 50:10-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Pagsapit nila sa giikan sa Atad, sa silangan ng Ilog Jordan, huminto muna sila. Nagdaos sila roon ng luksang-parangal sa yumao, at pitong araw na nagdalamhati roon si Jose.

11. Nasaksihan ng mga taga-Canaan ang ginawang pagpaparangal na ito, kaya't nasabi nila, “Ganito palang magluksa ang mga taga-Egipto!” Dahil dito'y tinawag na Abelmizraim ang lugar na iyon.

12. Sinunod nga ng mga anak ni Jacob ang hiling ng kanilang ama.

13. Dinala nila sa Canaan ang bangkay at doon inilibing sa yungib na nasa kaparangan ng Macpela, silangan ng Mamre, na binili ni Abraham kay Efron na Heteo.