Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 5:27-32 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

27. Namatay siya sa gulang na 969 na taon.

28. Si Lamec naman ay 182 taon nang magkaroon ng anak.

29. Sinabi niya, “Mula sa lupang ito na isinumpa ni Yahweh, ipinanganak ang lulunas sa lahat ng ating mga pagpapagal at paghihirap.” Kaya't Noe ang ipinangalan niya sa kanyang anak.

30. Nabuhay pa si Lamec nang 595 taon at nagkaroon din siya ng iba pang mga anak.

31. Namatay siya sa gulang na 777 taon.

32. Si Noe nama'y 500 na nang maging anak niya sina Shem, Ham at Jafet.