Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 5:2-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Sila'y nilikha niya na lalaki at babae, at matapos pagpalain, sila'y tinawag niyang “Sangkatauhan”.

3. Si Adan ay 130 taon nang maging anak niya si Set na kanyang kalarawan.

4. Nabuhay pa siya nang walong daang taon, at nagkaroon pa ng mga anak na lalaki't babae.

5. Namatay siya sa gulang na 930 taon.

6. Si Set ay 105 taon nang maging anak niya si Enos.

7. Nabuhay pa siya nang 807 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak.

8. Namatay siya sa gulang na 912 taon.

9. Siyamnapung taon naman si Enos nang maging anak niya si Kenan.