Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 5:17-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Namatay siya sa gulang na 895 taon.

18. Si Jared ay 162 nang maging anak niya si Enoc.

19. Nabuhay pa si Jared nang 800 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak.

20. Namatay siya sa gulang na 962 taon.

21. Animnapu't limang taon naman si Enoc nang maging anak niya si Matusalem.

22. Tatlong daang taon pang nabuhay si Enoc na kasama ang Diyos, at nagkaroon ng iba pang mga anak.

23. Umabot siya nang 365 taon,

24. at sa buong panahong iyon ay namuhay siyang kasama ng Diyos. Pagkatapos, nawala siya sapagkat kinuha siya ng Diyos.