Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 5:15-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Animnapu't limang taon si Mahalalel nang maging anak si Jared.

16. Nabuhay pa si Mahalalel nang 830 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak.

17. Namatay siya sa gulang na 895 taon.

18. Si Jared ay 162 nang maging anak niya si Enoc.

19. Nabuhay pa si Jared nang 800 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak.

20. Namatay siya sa gulang na 962 taon.

21. Animnapu't limang taon naman si Enoc nang maging anak niya si Matusalem.

22. Tatlong daang taon pang nabuhay si Enoc na kasama ang Diyos, at nagkaroon ng iba pang mga anak.

23. Umabot siya nang 365 taon,

24. at sa buong panahong iyon ay namuhay siyang kasama ng Diyos. Pagkatapos, nawala siya sapagkat kinuha siya ng Diyos.

25. Si Matusalem ay 187 taon nang maging anak niya si Lamec.

26. Nabuhay pa si Matusalem nang 782 taon at nagkaroon din ng iba pang mga anak.

27. Namatay siya sa gulang na 969 na taon.

28. Si Lamec naman ay 182 taon nang magkaroon ng anak.

29. Sinabi niya, “Mula sa lupang ito na isinumpa ni Yahweh, ipinanganak ang lulunas sa lahat ng ating mga pagpapagal at paghihirap.” Kaya't Noe ang ipinangalan niya sa kanyang anak.