Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 5:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito ang kasaysayan ng lahi na mula kay Adan. Nang likhain ng Diyos ang tao, ginawa niya ito ayon sa kanyang larawan.

2. Sila'y nilikha niya na lalaki at babae, at matapos pagpalain, sila'y tinawag niyang “Sangkatauhan”.

3. Si Adan ay 130 taon nang maging anak niya si Set na kanyang kalarawan.

4. Nabuhay pa siya nang walong daang taon, at nagkaroon pa ng mga anak na lalaki't babae.

5. Namatay siya sa gulang na 930 taon.

6. Si Set ay 105 taon nang maging anak niya si Enos.