Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 49:2-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. “Kayo mga anak, magsilapit sa akin,akong inyong ama ay sumandaling dinggin.

3. “Si Ruben ang aking panganay na anak,sa lahat kong supling ay pinakamalakas;

4. mapusok ang loob, baha ang katulad, bawat madaanan ay sumasambulat.Sa kabila nito'y hindi ka sisikat, hindi mangunguna, hindi matatanyag;pagkat ang ama mo ay iyong hinamak,dangal ng aliping-asawa ko ay iyong winasak.

5. “Simeon at Levi na magkapatid,ang sandata ninyo'y ipinanlulupig;

6. sa usapan ninyo'y di ako sasali,sa inyong gawain, hindi babahagi.Kapag nagagalit agad pumapatay,lumpo pati hayop kung makatuwaan.

7. Kayo'y susumpain, sa bangis at galit,sa ugali ninyo na mapagmalabis;kayo'y magkawatak-watak sa buong lupain,sa buong Israel ay pangangalatin.

8. “Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal,hawak mo sa leeg ang iyong kaaway,lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang.

9. Mabangis na leon ang iyong larawan,muling nagkukubli matapos pumatay;ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay,walang mangangahas lumapit sinuman.