Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 49:17-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Ahas na mabagsik sa tabi ng daan,na handang tumuklaw sa kabayong daraan;upang maihulog iyong taong sakay.

18. “Sa pagliligtas mo, O Diyos, ako'y maghihintay.

19. “Haharangin si Gad ng mga tulisan,lalabanan niya at magtatakbuhan.

20. “Ang bukid ni Asher ay pag-aanihanng mga pagkain ng taong marangal.

21. “Si Neftali naman ay tulad ng usa,malaya't ang dalang balita'y maganda.

22. “Si Jose nama'y baging na mabunga.Sa tabi ng bukal nakatanim siya,paakyat sa pader ang pagtubo niya.

23. Mga mangangaso ang nagpapahirap,hinahabol siya ng palaso't sibat.

24. Subalit ang iyong busog ay mananatiling malakas,ang iyong mga bisig ay palalakasin,ang dahilan nito'y ang Diyos ni Jacob,pastol ng Israel, matibay na muog.

25. Diyos ng iyong ama'y siyang sasaklolo,ang Makapangyarihang Diyos magbabasbas saiyo.Magbuhat sa langit, bubuhos ang ulan,malalim na tubig sa lupa'y bubukal;dibdib na malusog, pati bahay-bata'y pagpapalain di't kanyang babasbasan.

26. Darami ang ani, bulaklak gayon din,maalamat na bundok ay pagpapalain;pati mga burol magkakamit-aliw.Pagpapalang ito nawa ay makamit ni Joseng nawalay sa mga kapatid.

27. “Tulad ni Benjami'y lobong pumapatay,sumisila ito ng inaalmusal.Kung gabi, ang huli'y pinaghahatian.”