Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 49:13-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. “Sa baybaying-dagat doon ka, Zebulun,ang sasakyang-dagat sa iyo kakanlong;ang iyong lupai'y aabot sa Sidon.

14. “Malakas na asno ang katulad mo, Isacar,ngunit sa kulungan ka maglulumagak.

15. Nang kanyang makita iyong pahingahan,ang lupain doo'y tunay na mainam,tiniis na niyang makuba sa pasan,nagpaalipin na kahit mahirapan.

16. “Si Dan ay magiging isang pangunahin,katulad ng ibang pinuno ng Israel.

17. Ahas na mabagsik sa tabi ng daan,na handang tumuklaw sa kabayong daraan;upang maihulog iyong taong sakay.

18. “Sa pagliligtas mo, O Diyos, ako'y maghihintay.

19. “Haharangin si Gad ng mga tulisan,lalabanan niya at magtatakbuhan.

20. “Ang bukid ni Asher ay pag-aanihanng mga pagkain ng taong marangal.

21. “Si Neftali naman ay tulad ng usa,malaya't ang dalang balita'y maganda.

22. “Si Jose nama'y baging na mabunga.Sa tabi ng bukal nakatanim siya,paakyat sa pader ang pagtubo niya.