Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 49:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ipinatawag ni Jacob ang kanyang mga anak at sinabi, “Lumapit kayo sa akin, at sasabihin ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa hinaharap:

2. “Kayo mga anak, magsilapit sa akin,akong inyong ama ay sumandaling dinggin.

3. “Si Ruben ang aking panganay na anak,sa lahat kong supling ay pinakamalakas;

4. mapusok ang loob, baha ang katulad, bawat madaanan ay sumasambulat.Sa kabila nito'y hindi ka sisikat, hindi mangunguna, hindi matatanyag;pagkat ang ama mo ay iyong hinamak,dangal ng aliping-asawa ko ay iyong winasak.

5. “Simeon at Levi na magkapatid,ang sandata ninyo'y ipinanlulupig;

6. sa usapan ninyo'y di ako sasali,sa inyong gawain, hindi babahagi.Kapag nagagalit agad pumapatay,lumpo pati hayop kung makatuwaan.