Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 48:9-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. “Opo! Sila po ang ipinagkaloob sa akin ng Diyos dito sa Egipto,” tugon niya.Sinabi ni Israel, “Ilapit mo sila sa akin at babasbasan ko.”

10. Halos hindi na makakita noon si Israel dahil sa kanyang katandaan. Inilapit nga ni Jose ang mga bata at sila'y niyakap at hinagkan ng matanda.

11. Sinabi ni Jacob kay Jose, “Wala na akong pag-asa noon na makikita pa kita. Ngayon, nakita ko pati iyong mga anak.”

12. Inalis ni Jose ang mga bata sa kandungan ni Israel at yumuko siya sa harapan nito.

13. Pagkatapos, inilapit niya sa matanda ang dalawang bata, si Efraim sa gawing kaliwa at si Manases sa gawing kanan nito.

14. Ngunit pinagkurus ni Israel ang kanyang kamay at ipinatong ang kanan sa ulo ng nakababatang si Efraim at ang kaliwa sa ulo ni Manases.

15. At sila'y binasbasan,“Pagpalain nawa kayo at palaging subaybayan,ng Diyos na pinaglingkuran ni Isaac at ni Abraham;ng Diyos na sa aki'y nangalaga't pumatnubay,simula sa pagkabata't magpahanggang ngayon man.

16. At pati na ang anghel na sa akin ay nagligtas,pagpalain nawa kayo, tanggapin ang kanyang basbas;maingatan nawa ninyo at taglayin oras-orasang ngalan ko, at ang ngalan ni Abraham at ni Isaac.Nawa kayo ay lumago, dumami at lumaganap.”

17. Nang makita ni Jose ang ginawa ng kanyang ama, minasama niya iyon kaya't hinawakan niya ang kanang kamay nito upang ilipat sa ulo ni Manases.

18. Wika niya, “Ito po ang matanda, ama. Sa kanya ninyo ipatong ang inyong kanang kamay.”