Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 48:6-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Ngunit ang susunod mong mga anak ay mananatiling iyo at ibibilang na lamang sa lipi ng dalawa nilang kapatid.

7. Ipinasiya ko ito alang-alang kay Raquel na iyong ina. Nang pabalik ako buhat sa Mesopotamia, namatay siya sa Canaan, malapit sa Efrata. At dinamdam ko nang labis ang kanyang pagpanaw. Doon ko na siya inilibing.” (Ang Efrata ay tinatawag ngayong Bethlehem.)

8. Nang makita ni Israel ang mga anak ni Jose, tinanong ito, “Ito ba ang iyong mga anak?”

9. “Opo! Sila po ang ipinagkaloob sa akin ng Diyos dito sa Egipto,” tugon niya.Sinabi ni Israel, “Ilapit mo sila sa akin at babasbasan ko.”

10. Halos hindi na makakita noon si Israel dahil sa kanyang katandaan. Inilapit nga ni Jose ang mga bata at sila'y niyakap at hinagkan ng matanda.

11. Sinabi ni Jacob kay Jose, “Wala na akong pag-asa noon na makikita pa kita. Ngayon, nakita ko pati iyong mga anak.”

12. Inalis ni Jose ang mga bata sa kandungan ni Israel at yumuko siya sa harapan nito.

13. Pagkatapos, inilapit niya sa matanda ang dalawang bata, si Efraim sa gawing kaliwa at si Manases sa gawing kanan nito.

14. Ngunit pinagkurus ni Israel ang kanyang kamay at ipinatong ang kanan sa ulo ng nakababatang si Efraim at ang kaliwa sa ulo ni Manases.

15. At sila'y binasbasan,“Pagpalain nawa kayo at palaging subaybayan,ng Diyos na pinaglingkuran ni Isaac at ni Abraham;ng Diyos na sa aki'y nangalaga't pumatnubay,simula sa pagkabata't magpahanggang ngayon man.