Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 48:18-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Wika niya, “Ito po ang matanda, ama. Sa kanya ninyo ipatong ang inyong kanang kamay.”

19. Ngunit sinabi ni Jacob, “Alam ko iyan, anak, alam ko. Alam kong magiging dakila si Manases, pati ang kanyang mga anak, ngunit lalong magiging dakila ang nakababata niyang kapatid. Ang kanyang lahi ay magiging dakilang mga bansa.”

20. Sinabi pa niya ito:“Ang mga Israelita, sa Diyos ay hihilingin,dahil kayo'y pinagpala, sila ma'y pagpalain din.Sa kanilang kahilingan, ganito ang sasabihin:‘Kayo nawa ay matulad kay Efraim at Manases.’”Sa ganitong paraan ginawa ni Jacob na una si Efraim kay Manases.

21. Pagkatapos nito, sinabi ni Israel, “Jose, ako'y mamamatay na ngunit huwag kang mababahala. Sasamahan ka ng Diyos at kayo'y ibabalik niya sa lupain ng inyong mga ninuno.

22. Ikaw ang tanging magmamana ng Shekem na nakuha ko sa mga Amoreo sa pamamagitan ng aking tabak at pana.”