Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 47:4-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. “Nakarating po kami rito sapagkat sa amin sa Canaan ay wala na kaming mapagpastulan. Kung maaari po, doon na ninyo kami patirahin sa lupain ng Goshen.”

5. Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ngayong narito na ang iyong ama at mga kapatid,

6. at ikaw naman ang namamahala sa buong Egipto, ibigay mo sa kanila ang pinakamainam na lupain. Doon mo sila patirahin sa Goshen. Kung may mapipili kang mahuhusay na pastol, sila ang pamahalain mo sa aking mga kawan.”

7. Isinama ni Jose ang kanyang ama sa palasyo at pagdating doo'y binasbasan ni Jacob ang Faraon.

8. “Ilang taon na kayo?” tanong ng Faraon kay Jacob.

9. Sumagot siya, “Umabot na po sa 130 taon ang aking pagpapalipat-lipat ng tahanan. Maikli at mahirap ang aking naging buhay dito sa lupa. Malayung-malayo sa naging buhay ng aking mga ninuno.”

10. Matapos magpaalam sa Faraon, umalis na si Jacob.

11. Sa utos ng Faraon, ibinigay ni Jose sa kanyang ama at mga kapatid ang pinakamabuting lupain ng Rameses sa bansang Egipto.

12. Ang buong sambahayan ni Jacob hanggang sa kaliit-liitan ay kinalinga ni Jose.

13. Nang maubos na ang pagkain sa buong Canaan at Egipto, at ang mga tao'y hirap na hirap na sa gutom,

14. kay Jose bumibili ng pagkain ang lahat. Iniipon naman ni Jose ang pinagbilhan at dinadala sa kabang-yaman ng Faraon.