Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 46:4-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Sasamahan ko kayo roon at ibabalik muli rito. Nasa piling mo si Jose kapag ikaw ay namatay.”

5. Mula sa Beer-seba'y naglakbay si Jacob. Siya, at ang kanyang mga apo at mga manugang ay isinakay ng kanyang mga anak sa mga karwaheng ipinadala ng Faraon.

6. Dinala rin nila sa Egipto ang kanilang mga kawan at kagamitan mula sa Canaan. Kasama nga niya

7. ang kanyang mga anak, mga manugang at mga apo.

8. Ito ang talaan ng lahi ni Israel na nagpunta sa Egipto—si Jacob at ang kanyang mga anak at mga apo: si Ruben na kanyang panganay

9. at ang mga anak nitong sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi;

10. si Simeon at ang mga anak nitong sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at si Saul na anak ng babaing taga-Canaan.

11. Si Levi at ang mga anak nitong sina Gershon, Coat at Merari;

12. si Juda at ang mga anak nitong sina Sela, Fares at Zara. Si Er at Onan ay namatay sa Canaan. Ang mga anak ni Fares na sina Hezron at Hamul.

13. Si Isacar at ang mga anak nitong sina Tola, Pua, Job at Simron.

14. Si Zebulun at ang mga anak nitong sina Sered, Elon at Jahleel.

15. Ito ang mga anak at apo ni Jacob kay Lea na pawang ipinanganak sa Mesopotamia. Kabilang dito si Dina, ang anak na dalaga ni Jacob. Tatlumpu't tatlo silang lahat.

16. Kasama rin dito si Gad at ang mga anak nito na sina Zifion, Hagui, Suni, Ezbon, Eri, Arodi at Areli;

17. si Asher at ang mga anak nitong sina Jimna, Isua, Isui, Beria at ang babaing kapatid nilang si Sera. Ang mga anak ni Beria ay sina Heber at Malquiel.