Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 46:16-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Kasama rin dito si Gad at ang mga anak nito na sina Zifion, Hagui, Suni, Ezbon, Eri, Arodi at Areli;

17. si Asher at ang mga anak nitong sina Jimna, Isua, Isui, Beria at ang babaing kapatid nilang si Sera. Ang mga anak ni Beria ay sina Heber at Malquiel.

18. Ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Zilpa, ang aliping ibinigay ni Laban kay Lea, ay labing-anim.

19. Kabilang din sa talaang ito ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Raquel: sina Jose at Benjamin;

20. sina Manases at Efraim, mga anak ni Jose kay Asenat na anak ni Potifera na pari sa Heliopolis. Ang dalawang ito'y sa Egipto isinilang.

21. Ang mga anak ni Benjamin ay sina Bela, Bequer, Asbel, Gera, Naaman, Ehi, Ros, Mupim, Hupim at Ard.

22. Labing-apat ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Raquel.

23. Kabilang pa rin dito si Dan at ang bugtong niyang anak na si Husim; at

24. si Neftali at ang mga anak nitong sina Jahzeel, Guni, Jeser at Silem.

25. Pito ang mga anak at mga apo ni Jacob kay Bilha, ang aliping ibinigay ni Laban kay Raquel.