Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 44:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Inutusan ni Jose ang kanyang katiwala, “Punuin mo ng trigo ang kanilang mga sako at bago mo isara ay ilagay mo ang salaping ibinayad nila.

2. At sa sako ng pinakabunso, ilagay mo pa ang aking kopang pilak.” Ginawa naman ng katiwala ang iniutos sa kanya.

3. Kinabukasan, maaga pa'y umalis na ang magkakapatid, sakay ng kanilang mga asno.

4. Hindi pa sila nakakalayo sa lunsod, inutusan ni Jose ang kanyang katiwala, “Habulin mo ang mga taong iyon, at sabihin mo sa kanila, ‘Bakit naman ginantihan ninyo ng masama ang kabutihang ipinakita namin sa inyo?