Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 41:18-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. May pitong magaganda at matatabang bakang umahon sa ilog at nanginain.

19. Walang anu-ano'y pitong mga payat na baka, pinakapangit na sa nakita ko sa buong Egipto, ang umahon din sa ilog.

20. Kinain ng mga payat ang matatabang baka,

21. ngunit parang walang anumang nangyari. Matapos kainin ang matataba, iyon pa rin ang ayos ng mga payat, napakapangit pa rin, at ako'y nagising.

22. Muli akong nakatulog at nanaginip na naman. May nakita akong pitong uhay sa isang puno ng trigo na hitik na hitik ng hinog na butil.

23. Sa puno ring ito, may sumibol na pitong uhay, ngunit lanta, napakapayat ng mga butil, at tinuyo ng hanging silangan.

24. Kinain ng mga payat na uhay ang matataba. Isinalaysay ko na ito sa mga salamangkero, ngunit walang makapagpaliwanag sa akin.”

25. “Iisa po ang kahulugan ng dalawa ninyong panaginip,” sabi ni Jose. “Ipinapaalam sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin.

26. Ang pitong matatabang baka po ay pitong taon; iyon din po ang kahulugan ng pitong uhay na matataba ang butil.

27. Ang sinasabi ninyong pitong payat na baka at ang pitong uhay na payat ang mga butil ay pitong taon ng taggutom.

28. Gaya ng sinabi ko sa inyo, iyan po ang gagawin ng Diyos.

29. Magkakaroon ng pitong taóng kasaganaan sa buong Egipto.