Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 41:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pagkaraan ng dalawang taon, ang Faraon naman ang nanaginip. Napanaginipan niyang siya'y nakatayo sa pampang ng Ilog Nilo.

2. Walang anu-ano'y may pitong magaganda't matatabang bakang umahon sa ilog at nanginain ng damo.

3-4. Umahon din mula sa ilog na iyon ang pitong pangit at payat na baka. Lumapit ang mga ito at kinain ang pitong matatabang baka. At nagising ang Faraon.

5. Nakatulog siyang muli at nanaginip na naman. May pitong uhay na tumubo sa isang puno ng trigo. Malalaki at matataba ang mga butil nito.