Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 40:20-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Ang ikatlong araw ay kaarawan ng Faraon, at naghanda siya ng isang salu-salo para sa kanyang mga kagawad. Iniharap niya sa kanyang mga panauhin ang tagapangasiwa ng mga inumin at ang punong panadero.

21. Ibinalik niya sa tungkulin ang tagapangasiwa ng mga inumin,

22. ngunit ipinabitay ang punong panadero. Natupad nga ang sinabi ni Jose sa dalawa,

23. ngunit siya'y nakalimutan ng tagapangasiwa ng mga inumin.