Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 40:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Minsan, ang tagapangasiwa ng mga inumin ng Faraon at ang punong panadero ay parehong nagkasala sa kanilang panginoon na hari ng Egipto.

2. Sa galit nito,

3. sila'y ipinakulong sa bahay ng punong guwardiya ng piitang pinagdalhan kay Jose.

4. Si Jose ang naatasan ng kapitan na tumingin at maglingkod sa dalawang bilanggo, kaya't matagal silang magkasama sa bilangguan.

5. Isang gabi, ang tagapangasiwa ng mga inumin at ang punong panadero ay parehong nanaginip.

6. Kinaumagahan, nang dumalaw si Jose, napuna niyang nababalisa ang dalawa.

7. Tinanong niya kung bakit,

8. at sila nama'y nagpaliwanag. “Alam mo, pareho kaming nanaginip, ngunit wala ni isa mang makapagpaliwanag ng kahulugan ng mga iyon.”“Ang Diyos lamang ang nakapagpapaunawa sa atin ng kahulugan ng mga panaginip,” sabi ni Jose. “Ano ba ang napanaginipan ninyo?”