Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 39:13-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

13. Sa pangyayaring ito,

14. nagsisigaw ito at tinawag ang mga katulong na lalaki, “Tingnan ninyo! Dinalhan tayo ng asawa ko ng Hebreong ito para hamakin tayo. Sukat ba namang pasukin ako sa aking silid at gusto akong pagsamantalahan! Mabuti na lamang at ako'y nakasigaw.

15. Pagsigaw ko'y kumaripas siya ng takbo, at naiwan sa akin ang kanyang damit.”

16. Itinago niya ang balabal ni Jose hanggang sa dumating ang asawa.

17. Sinabi niya rito, “Ang Hebreong dinala mo rito'y bigla na lamang pumasok sa aking silid at gusto akong pagsamantalahan.

18. Nang ako'y sumigaw, kumaripas ng takbo at naiwan sa akin ang kanyang balabal.”

19. Nagalit si Potifar nang marinig ang sinabi ng asawa,

20. kaya't ipinahuli niya si Jose at isinama sa mga bilanggong tauhan ng Faraon.

21. Ngunit si Jose ay hindi pinabayaan ni Yahweh. Ang bantay ng bilangguan ay naging napakabait sa kanya.

22. Si Jose ay ginawa niyang tagapamahala ng lahat ng mga bilanggo, at siya ang tanging nagpapasya kung ano ang gagawin sa loob ng bilangguan.

23. Hindi na halos nakikialam ang bantay ng bilangguan sa ginagawa ni Jose, sapagkat si Yahweh ay kasama nito at pinagtatagumpay siya sa lahat niyang gawain.