Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 35:12-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Ang mga lupaing aking ipinangako kay Abraham at kay Isaac ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak.”

13. At iniwan siya ng Diyos.

14. Naglagay si Jacob ng batong palatandaan sa lugar na pinagtagpuan nila. Binuhusan niya ito ng langis at alak bilang tanda na ito'y ukol sa Diyos.

15. Tinawag niyang Bethel ang lugar na iyon.

16. Umalis sila sa Bethel. Nang sila'y malapit na sa Efrata, naramdaman ni Raquel na manganganak na siya at napakatindi ng kanyang hirap.

17. Sinabi sa kanya ng hilot, “Huwag kang matakot, lalaki na naman ang isisilang mo.”

18. Nasa bingit na siya ng kamatayan, at bago siya nalagutan ng hininga, ang sanggol ay tinawag niyang Benoni, ngunit Benjamin naman ang ipinangalan ni Jacob.