Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 27:44-46 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

44. Doon ka muna hanggang hindi humuhupa ang galit ng iyong kapatid;

45. malilimutan din niya ang ginawa mo sa kanya. Hayaan mo't pababalitaan kita kung maaari ka nang bumalik. Masakit man sa loob ko ang malayo ka sa akin, lalong hindi ko matitiis ang kayo'y parehong mawala sa akin.”

46. Sinabi ni Rebeca kay Isaac, “Hirap na hirap na ang loob ko sa mga dayuhang asawa ni Esau. Kapag Hetea ring tulad nila ang napangasawa ni Jacob, mabuti pang mamatay na ako.”