Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 27:20-25 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. “Napakadali mo naman yatang nakahuli?” tanong ni Isaac.“Tinulungan po ako ni Yahweh na inyong Diyos,” sagot ni Jacob.

21. Nagtanong muli si Isaac, “Ikaw ba talaga si Esau? Lumapit ka nga rito nang matiyak ko kung ikaw nga.”

22. Lumapit naman si Jacob at siya'y hinawakan ng ama. “Kay Jacob ang tinig ngunit ang bisig ay parang kay Esau!” wika ni Isaac.

23. Hindi niya nakilala si Jacob, sapagkat ang mga bisig nito'y mabalahibo ring tulad ng kay Esau. Babasbasan na sana ni Isaac si Jacob,

24. ngunit muli pang nagtanong, “Ikaw nga ba si Esau?”“Ako nga po,” tugon ni Jacob.

25. Kaya't sinabi ni Isaac, “Kung gayon, akin na ang pagkain at pagkakain ko'y babasbasan kita.” Iniabot ni Jacob ang pagkain at binigyan din niya ng alak.