Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 27:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Si Isaac ay matanda na at halos hindi na makakita, kaya ipinatawag niya si Esau, ang anak niyang panganay.

2. Sinabi niya rito, “Anak, matanda na ako at malapit nang mamatay.

3. Pumunta ka sa parang at mangaso. Ihuli mo ako ng hayop

4. at lutuin ang putahing gusto ko. Pagkakain ko'y igagawad ko sa iyo ang aking basbas bago ako mamatay.”

5. Nakikinig pala si Rebeca samantalang kinakausap ni Isaac si Esau. Kaya't nang umalis ito upang sundin ang bilin ng ama,

6. tinawag ni Rebeca si Jacob at sinabi, “Narinig ko ang sinabi ng iyong ama kay Esau:

7. ‘Ihuli mo ako ng hayop at lutuin mo para sa akin. Pagkakain ko, babasbasan kita sa harapan ni Yahweh bago ako mamatay.’

8. Kaya't ganito ang gawin mo, anak: