Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 26:30-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

30. Naghanda si Isaac ng malaking salu-salo at sila'y nagkainan at nag-inuman.

31. Kinaumagahan, sila'y nagsumpaang magiging magkaibigan, at saka mapayapang naghiwalay.

32. Nang araw ring iyon, ibinalita ng mga alipin ni Isaac na sila'y nakahukay na ng tubig.

33. Tinawag niyang “Balon ng Panata” ang balong iyon. Kaya, hanggang ngayon ay Beer-seba ang tawag sa lunsod na itinayo roon.

34. Apatnapung taon si Esau nang siya'y mag-asawa; si Judit na anak ng Heteong si Beeri ang napangasawa niya. Naging asawa rin niya si Basemat, anak naman ni Elon, isa ring Heteo.

35. Ang dalawang ito ang naging dahilan ng malaking sama ng loob nina Isaac at Rebeca.