Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 23:11-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. “Hindi lamang ang yungib, kundi pati ang lupang kinalalagyan nito ay ibinibigay ko na rin sa inyo upang paglibingan sa inyong asawa. Saksi ko ang lahat ng naririto.”

12. Muling yumuko si Abraham sa harapan ng mga naroroon,

13. at sinabi niya kay Efron na naririnig ng lahat, “Kung maaari'y pakinggan mo ako. Bibilhin ko ang buong lupain. Tanggapin mo ang tamang kabayaran upang mailibing ko roon ang aking asawa.”

14. Sumagot si Efron kay Abraham,