Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 22:7-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Tinawag ni Isaac ang pansin ng ama, “Ama!”“Ano iyon, anak?” tugon ni Abraham.“Mayroon na tayong apoy at panggatong, ngunit nasaan ang tupang ihahandog?” tanong ni Isaac.

8. Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos ang magbibigay niyon.” Kaya't nagpatuloy sila sa paglakad.

9. Pagsapit nila sa lugar na itinuro ng Diyos, gumawa ng altar si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong at inihiga si Isaac matapos gapusin.

10. Nang sasaksakin na niya ang bata,

11. tinawag siya ng anghel ni Yahweh at mula sa langit ay sinabi, “Abraham, Abraham!”“Narito po ako,” sagot ni Abraham.

12. Sinabi ng anghel, “Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Natitiyak ko ngayong handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa mong anak.”

13. Paglingon niya'y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog sa halip na ang kanyang anak.

14. Kaya't ang lugar na iyon ay tinawag ni Abraham na, “Si Yahweh ang Nagkakaloob.” At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao, “Sa bundok ni Yahweh ay may nakalaan.”

15. Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ni Yahweh,

16. “Ako'y nangangako sa pamamagitan ng aking pangalan—Yahweh. Sapagkat hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak,