Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 22:6-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang kahoy na panggatong. Dala naman niya ang apoy at patalim, at magkasama silang lumakad.

7. Tinawag ni Isaac ang pansin ng ama, “Ama!”“Ano iyon, anak?” tugon ni Abraham.“Mayroon na tayong apoy at panggatong, ngunit nasaan ang tupang ihahandog?” tanong ni Isaac.

8. Sumagot si Abraham, “Anak, ang Diyos ang magbibigay niyon.” Kaya't nagpatuloy sila sa paglakad.

9. Pagsapit nila sa lugar na itinuro ng Diyos, gumawa ng altar si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang panggatong at inihiga si Isaac matapos gapusin.

10. Nang sasaksakin na niya ang bata,

11. tinawag siya ng anghel ni Yahweh at mula sa langit ay sinabi, “Abraham, Abraham!”“Narito po ako,” sagot ni Abraham.