Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 22:10-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Nang sasaksakin na niya ang bata,

11. tinawag siya ng anghel ni Yahweh at mula sa langit ay sinabi, “Abraham, Abraham!”“Narito po ako,” sagot ni Abraham.

12. Sinabi ng anghel, “Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo siyang saktan! Natitiyak ko ngayong handa kang sumunod sa Diyos, sapagkat hindi mo ipinagkait sa kanya ang kaisa-isa mong anak.”

13. Paglingon niya'y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham at inihandog sa halip na ang kanyang anak.

14. Kaya't ang lugar na iyon ay tinawag ni Abraham na, “Si Yahweh ang Nagkakaloob.” At magpahanggang ngayon, sinasabi ng mga tao, “Sa bundok ni Yahweh ay may nakalaan.”

15. Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ni Yahweh,

16. “Ako'y nangangako sa pamamagitan ng aking pangalan—Yahweh. Sapagkat hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak,