Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 21:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pinagpala ni Yahweh si Sara at tinupad ang kanyang pangako.

2. Ayon sa panahong sinabi ng Diyos, si Sara nga ay nagdalang-tao at nanganak ng isang lalaki, kahit matanda na noon si Abraham.

3. Isaac ang ipinangalan ni Abraham sa kanyang anak.

4. Ayon sa utos ng Diyos, tinuli ni Abraham ang bata walong araw pagkasilang nito.