Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 2:4-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ganito ang pagkalikha sa langit at sa lupa.Nang likhain ng Panginoong Yahweh ang lupa at lahat ng bagay sa langit,

5. wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat hindi pa nagpapaulan noon ang Panginoong Yahweh, at wala pa ring nagsasaka.

6. Ngunit mayroon nang bukal ng tubig na dumidilig sa kapatagan sa lupa.

7. Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.

8. Gumawa ang Panginoong Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang.