Magandang Balita Biblia Revisi

Genesis 2:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nilikha nga ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay na naroroon.

2. Tinapos niyang likhain ang lahat ng ito sa loob ng anim na araw, at siya'y nagpahinga sa ikapitong araw.

3. Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.

4. Ganito ang pagkalikha sa langit at sa lupa.Nang likhain ng Panginoong Yahweh ang lupa at lahat ng bagay sa langit,

5. wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat hindi pa nagpapaulan noon ang Panginoong Yahweh, at wala pa ring nagsasaka.